Monday, May 20, 2019

Mamahaling art materials ba o pwede na yung mura?


Para sa akin mas mabuting magsimula sa murang gamit muna kasi gagamitin mo yan sa pagpraktis lang. Habang praktis ka ng praktis, lalong gumaganda ang iyong mga gawa kaya minsan tinatapon muna yung una mong mga gawa. Tsaka ka na bumili ng mamahaling gamit pag natuto ka na ng Mabuti at seryoso ka na sa pagpainting. . Mas hindi nakakahinayang gamitin at maaksaya ang mga materials na mura lang. Ngayon, kung marami ka namang pera, di ok lang na magsimula ka gamit ang mga mamahaling materyal.



Sunday, May 19, 2019

Introdaksyon

Naisip kong gumawa ng blog patungkol sa painting para sa mga baguhang pintor na walang kakayahan, panahon o budget para mag-aral ng pormal sa eskwelahan pero gustong matuto kung paano magpinta. Hindi naman ako eksperto na pero matagal na rin akong nagpipinta at ilang iba't-ibang mediums na rin ang nagamit ko. Naisip kong magblog sa tagalog para mas madaling maintindihan. Siguro meron ding mga video na ilalagay ko dito pero iniisip ko kasi na hindi lahat ng magiging readers ko dito ay may matinong internet para makapanood ng mahahabang video na kumakain ng data kaya kung maglagay man ako ng instructional videos dito siguro ay iilan lang.

Ang blog na ito ay inaalay ko sa mga kaibigan at kababayan kong mahilig sa arts, magdrowing man o magpinta. Naisip ko ito kasi minsan sa buhay ko ay naging budding artists din ako na naghahanap ng guidance mula sa kapwa artist na may mas malawak na experience kesa sa akin. Pasensyahan nyo na lamang ang magkahalong tagalog at ingles sa mga artikulo ko.

Sana ay makatulong ito sa inyo kahit papaano.

Mamahaling art materials ba o pwede na yung mura?

Para sa akin mas mabuting magsimula sa murang gamit muna kasi gagamitin mo yan sa pagpraktis lang. Habang praktis ka ng praktis, lalong gu...